KOREAN SOPRANO SINGER LEE SANG-EUN, NATAGPUANG PATAY SA BANYO



KOREAN SOPRANO SINGER LEE SANG-EUN, NATAGPUANG PATAY SA BANYO


Pumanaw na sa edad na 46 ang South Korean singer-songwriter na si Lee Sang-Eun nitong Huwebes.

Ayon sa Koreaboo, isang South Korean entertainment website, bandang 8:23 ng gabi ng nasabing araw ay natagpuang wala ng buhay ang katawan ng singer sa women’s restroom ng concert venue.

Sinasabing nakatakda sanang magpe-perform na sa entablado ang singer para sa 33rd Regular Concert of the Gimcheon Municipal Choir sa Grand Hall ng Gimcheon Culture and Art Center sa South Korea ngunit wala ito sa backstage.

Nang matagpuan ang singer ay agad itong isinugod sa pinakamalapit na ospital ngunit idineklara itong patay na bago pa makarating sa pagamutan.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, wala umano nakikitang foul play sa insidente subalit patuloy ang kanilang isinasagawang imbestigasyon.

Kilala si Lee Sang Eun sa kanyang stage name na ‘Lee Tzsche’ at itinuturing na isa sa mga sikat na singer sa Korean entertainment industry matapos mapanalunan ang Rookie Artist Award sa 1988 Golden Disc Awards at Female Musician of the Year sa 2004 at 2006 Korean Music Awards.



Ni Sam Zaulda

Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng:

#D3BIO
#DTX500
#PURECEE
#DTXCOFFEEMIX

👉Mabibili Sa Lahat Ng Branch Ng Clinica De Alternativo At Sa Mga Nangungunang Botika Sa Inyong Lugar

Maaari ring umorder thru shopee:
🛒https://shopee.ph/clinicadealternativomedicina

For More Inquiries Call Us At: 0966-901-920

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog