AI ROBOTS, KAYANG PAMUNUAN ANG MUNDO?

 


AI ROBOTS, KAYANG PAMUNUAN ANG MUNDO?

Sa bawat pagpalit ng henerasyon ay unti-unti na ring sumusulong ang teknolohiya na ngayo’y naa-adapt na ng bawat tao sa mundo.

Ngunit, makakaya bang pamunuan ng makabagong teknolohiya ang mundo?

Sa isang conference ng United Nations, sinabi ng panel ng mga AI-enabled humanoid robots na may posibilidad na makakaya nilang palitan ang mga tao sa pamumuno ng mundo.

Ngunit, hindi pa rin kayang kontrolin ng mga social robots ang emosyon ng mga tao kung kaya’t sinabi nitong kinakailangan pa ring mag-ingat ng mga tao sa pag-adapt ng mabilis na pag-develop ng mga artificial intelligence.

Isinagawa ang United Nations’ AI for Good Global Summit sa Geneva nitong Biyernes na dinaluhan ng ilang mga humanoid robots kasama ang mahigit 3,000 na mga dalubhasang indibidwal upang talakayin ang kakayahan ng AI na maaaring magamit sa pagresolba ng ilang mga problemang kinakaharap ng mundo tulad ng climate change, pagkagutom at social care.

Ipinahayag ng isang humanoid robot na si Sophia, idinevelop ng Hanson Robotics, na mas may potensyal ang mga humanoid robots na maging lider kesa sa mga tao dahil sa wala itong parehong mga bias o emosyon na kadalasang nagiging sanhi ng pag-iiba sa desisyon.

Dagdag pa nito, makakabuo ng epektibong synergy ang pagtutulungan ng tao at AI kung saan makakapagbigay ng hindi bias na datos ang AI habang ang tao naman ang magbibigay ng emotional intelligence na makakalikha ng mas mahusay na desisyon.

Kaugnay nito, kanya-kanya namang sinagot ng ilan pang humanoid robots ang mga katanungan na nakakapagpabilib sa mga experts.

Tulad na lamang kung mapagkakatiwalaan ba ng mga tao ang mga makina, sinagot naman ito ng robot na "Trust is earned, not given... it's important to build trust through transparency."

Samantala, paalala ng mga humanoid robots na kinakailangan pa rin ang ibayong pag-iingat  sa pagdepende sa makabagong teknolohiya lalo na’t nakasalalay rito ang kinabukasan ng mundo.



Ni Sam Zaulda

Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng:

#D3BIO
#DTX500
#PURECEE
#DTXCOFFEEMIX

👉Mabibili Sa Lahat Ng Branch Ng Clinica De Alternativo At Sa Mga Nangungunang Botika Sa Inyong Lugar

Maaari ring umorder thru shopee:
🛒https://shopee.ph/clinicadealternativomedicina

For More Inquiries Call Us At: 0966-901-920

 

 

 

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog