85 NA MGA HOG RAISERS NA APEKTADO NG ASF SA AKLAN, TATANGGAP
NG AYUDA MULA SA PCIC
Ni Teresa Iguid
Aabot sa 1,081,700 ang kabuang ayuda na matatanggap ng nasa 85 na mga apektadong hog raisers sa probinsya ng Aklan mula sa Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC), matapos na tumama ang nakakamatay na sakit sa baboy na ASF.
Ito ang ipinasiguro ni Catherine Mae Sullano ng PCIC-AKLAN, sa panayam ng Radyo Bandera News Team kaugnay sa ayudang hinihintay ng mga apektadong hog raisers.
Ayon sa PCIC, ang nasabing bilang ng tiyak na makakatanggap ng ayuda ay ang mga nag-sumite ng aplikasyon magmula ng tumama ang nasabing virus sa probinsya.
Habang mayroon pang 99 na mga farmers ang nasa “processing” ang estado ng aplikasyon, sa kasalukuyan.
Ipinunto rin ng tanggapan na itong mga makakatanggap na ay ang mga nag-report agad ng pagkamatay ng kanilang alagang baboy, kasabay ng pag-comply ng mga kaukulang dokumento.
Ipinaliwanag rin ng PCIC-Aklan na hindi lahat ng aplikasyon na isinusumite sa kanilang tanggapan ay agad na ina-aprubahan dahil dumaraan pa ito sa masusing proseso katulad na lamang ng validation, at sakali mang may hindi tumugma na impormasyon sa kanilang tala ay hindi nila ito tatanggapin.
Ngunit sa kabila naman nito ay maaari pa ring muli na mag-apply ang mga na-deny na aplikasyon sa loob ng 30 na araw.
Kaugnay dito, sinabi rin ng PCIC na ang ayudang matatanggap ng mga hog raisers ay nakadepende sa ead at bilang ng mga naapektuhang alaga.
Samantala, hinimok rin nito ang iba pang mga hog raisers na
sakaling mamatayan ng mga alaga ay agad na i-report sa kanilang mga Municipal
Agriculture Office (MAO) sa loob ng 7 calendar days upang mabigyang aksyon at
magkaroon ng pag-asang makatanggap ng ayuda.
0 Comments