55 MGA BALYENA, PATAY MATAPOS
MA-STRANDED SA ISLA NG SCOTLAND
Nasawi
ang nasa 55 na mga pilot whale sa baybayin ng Isle of Lewis, Scotland nitong Hulyo
16.
Ayon
sa British Divers Marine Life Rescue (BDMLR), mabilis nilang nirespondehan at
binigyan ng first aid ang mga balyena ngunit nabigo nilang ma-revive ito.
Naniniwala
ang mga BDMLR na napadpad sa mababaw na parte ng tubig ang mga balyena dahil sa
isang babaeng balyena na nanganak.
Ayon
sa mga rescuers, natural na sa mga balyena na sumunod kung saan ma-stranded ang
isang balyena, nagsusunuran din ang mga kapwa balyena nito na dahilan na marami
ang namatay.
Sa kabila
nito, nasa 15 naman ang nanatiling buhay matapos itong lumisan sa karagatan ng
Traigh Mhor beach sa North
Tolsta, Isle of Lewis.
Nagpalabas
din ng advisory ang Western Isles Council na bawal muna pumasok ang mga tao sa naturang
baybayin upang mapatuloy ang clean-up operation ng mga otoridad. / NINEL
LUIS DEL PILAR
VIA
JOHN RONALD GUARIN
Ang
bahaging ito ay hatid sa inyo ng:
#D3BIO
#DTX500
#PURECEE
#DTXCOFFEEMIX
Mabibili
sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and
Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.
👉Maaari ring umorder thru shopee
🛒https://shopee.ph/clinicadealternativomedicina
For
More Inquiries Call Us At: 0966-901-9208
Naga
bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it
Aklan, RADYO BANDERA!
0 Comments