1 PATAY, DAHIL SA TUMAOB NA MOTORBANCA; 200 INDIBIDWAL NAWASAK ANG TIRAHAN DULOT NG BAGYONG DODONG
Patay
ang isang babae na kinilala na si Cecille Fuentes, 35 anyos na tubong Brgy. Tinigban,
Carles, IloIlo dahil sa masamang panahon
dulot ng hanging Habagat at ng binabantayang Tropical Depression
"Dodong".
Ayon
sa imbestigasyon tumaob ang sinasakyang motor bangka ni Fuentes ng dahil sa
malakas na hangin at nagagalit na alon noong Hulyo 14, 2023 at kapwa tatlo pa
nitong kasama na nagbebenta sa Isang malaking barko.
Pasado
alas-2 ng hapon natagpuan ang kaniyang labi Barangay Buenavista, Carles nitong Hulyo 15 habang ang kaniyang mga
kasamahan ay matagumpay na nakaligtas sa naturang insedente.
Samantala,
ayon sa Regional Disaster Risk Reduction and Management (RDRRMC) nasa 62
pamilya na binubuo ng 224 na indibidwal sa Iloilo ang nawalan ng tirahan duloy
ng paglakas ng pag-ulan.
Dagdag
nito nakalabas na nong sabado sa Philippine Area of Responsibility PAR Sabado
si TD "Dodong "
Gayunpaman,
patuloy nitong pinalalakas ang habagat, pabugso-bugsong pagbuhos ng ulan at
nagdudulot ng masamang kondisyon sa Kanlurang Visayas. / NINEL LUIS DEL PILAR
Ang
bahaging ito ay hatid sa inyo ng:
#D3BIO
#DTX500
#PURECEE
#DTXCOFFEEMIX
Mabibili
sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and
Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.
👉Maaari ring umorder thru shopee
🛒https://shopee.ph/clinicadealternativomedicina
For
More Inquiries Call Us At: 0966-901-9208
Naga
bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it
Aklan, RADYO BANDERA!
0 Comments