TWICE, BALIK-PINAS SA KANILANG 2-DAY CONCERT

 


TWICE, BALIK-PINAS SA KANILANG 2-DAY CONCERT

Ni Sam Zaulda

Muling magbabalik ang Korean pop girl group na TWICE sa Pilipinas para sa kanilang dalawang araw na concert sa Bulacan.

Nitong Sabado, ibinunyag ng Live Nation Philippines, concert promoter na magdadagdag ito ng isa pang araw para sa live performance ng TWICE sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Nakatakdang gaganapin ang concert sa Setyembre 30 hanggang Oktubre 1, 2023.

Ito’y matapos magsold-out ang ticket para sa unang araw kung kaya’t nagdesisyon ang Live Nation Philippines na palawigin pa ito ng isa pang araw.

Batay sa anunsyo, magsisimula ang ticket selling para sa ikalawang araw na performance ng TWICE ngayong Hunyo 18, mamayang 12:00 pm sa SM Tickets outlets at website.

Inilabas na din ng Live Nation ang mga presyo ng ticket para sa pinakahihintay na concert ng mga tagahangang Pinoy.

Narito ang mga ticket prices:

  • ·         VIP Package Seated - P17,500
  • ·         LBA Premium - P12,000
  • ·         LBA Regular - P11,000
  • ·         LBB Premium - P10,000
  • ·         LBB Regular - P9,000
  • ·         UBA - P8,000
  • ·         UBB Premium - P6,500
  • ·         UBB Regular - P5,750
  • ·         UBB Sides - P5,000
  • ·         UBC Premium - P3,000
  • ·         UBC Regular - P1,750

Nauna nang bumisita sa bansa ang grupo noong Hunyo 2019 para sa kanilang “Twicelights” tour na ginana sa Mall of Asia Arena.


Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng:
Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.

Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog