BSKE, PANATILIHING ‘NON-PARTISAN’
Ni Jurry Lie Vicente
Inanunsyo ng Commission on Elections (Comelec) na maaaring
i-endorso para sa 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections ang mga
kasalukuyang opisyal ngunit hindi sila dapat maging bahagi ng anumang partidong
politikal.
Sa isang pahayag, sinabi ni Comelec Executive Director
Teofisto Elnas Jr. na ito ay alinsunod sa “non-partisan” na konsepto ng BSKE.
Paliwanag naman ni Comelec Chairman George Garcia, ito ay
nangangahulugan na ang mga kandidato sa BSKE ay hindi pinapayagang magdeklara
ng mga partidong pampulitika sa paghahain ng kanilang mga certificate of
candidacy.
Kung saan ang mga kandidato sa BSKE ay hindi maaring
tumakbo sa ilalim ng political party ngunit maari silang i-endorso ng mga opisyal
na miyembro ng nasabing partido.
Kaugnay nito, hindi rin dapat gumamit ng anumang pondo
mula sa munisipyo o city hall ang mga lokal na opisyal habang nangangampanya
para sa mga kandidato ng BSKE.
Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng:
#D3BIO
#DTX500
#PURECEE
#DTXCOFFEEMIX
Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De
Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave.
Kalibo, Aklan.
Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!

0 Comments