SPACEX NAGLUNSAD NG SATELLITE PARA PALAKASIN ANG INTERNET COVERAGE SA INDONESIA

 

This image provided by NASA shows the SpaceX Falcon 9 rocket, with the Dragon spacecraft onboard, launching from pad 39A at NASA’s Kennedy Space Center in Cape Canaveral, Florida, Saturday, June 3, 2017. This will be the 100th launch, and sixth SpaceX launch, from pad 39A. Previous launches include 11 Apollo flights, the launch of the unmanned Skylab in 1973, 82 shuttle flights and five SpaceX launches. (NASA / AFP /Bill Ingalls)


SPACEX NAGLUNSAD NG SATELLITE PARA PALAKASIN ANG INTERNET COVERAGE SA INDONESIA


Ni Sam Zaulda


Naglunsad ng satellite ang kompanya ni Elon Musk na SpaceX at ang Indonesia mula sa Estados Unidos upang palakasin at mas palawakin ang internet connection sa buong bansa ng Indonesia.

Mula sa mahigit 17,000 na isla sa Indonesia, tinatayang na halos nasa one-third ng populasyon sa naturang bansa ang wala pang access sa web, partikular na ang mga remote areas.

Sa isang ulat, inilunsad ng SpaceX ang PSN SATRIA mission sa isang geosynchronous transfer orbit mula sa Space Launch Complex 40 sa Cape Canaveral Space Force Station sa Florida.

Nagkakahalaga naman sa $540-milyon ang nailunsad na satellite at umaasa ang Jakarta na mai-connect nito ang kanilang 90,000 schools, 40,000 hospitals, at government buildings.

Samantala, itinuturing na nasa ikaapat ang bansang Indonesia sa may pinakammataas na bilang ng populasyon sa buong mundo.

 

Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng:

#D3BIO

#DTX500

#PURECEE

#DTXCOFFEEMIX

Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.

Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog