“IT’S SHOWTIME SA GTV” NA NGA BA?

 


“IT’S SHOWTIME SA GTV” NA NGA BA?

Hindi nakaligtas sa mga netizen ang mga makahulugang sambit ng Unkabogable Phenomenal Star na si Vice Ganda sa kahapong episode ng “It’s Showtime”.

Tila parang nagpaparinig itong lilipat na ang kanilang noontime show sa kabilang network matapos ilang ulit nitong binanggit ang letrang “G” at mga salitang nagsisimula sa letrang G.

May binitiwan rin itong salawikain na "Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, hindi makararating sa paroroonan".

Dahil dito, kaliwa’t kanan ang ilang komento sa Kapamilya Online Live na umano’y parang nagpapahiwatig ang host ng posibilidad na mapanood ang “It’s Showtime” sa GTV, sister channel ng GMA Network.

Ito’y sa kabila ng isyung baka ito’y mapaalis sa noontime slot ng TV5 matapos ang opisyal na paglipat ng TVJ kasama ang orihinal na mga hosts ng Eat Bulaga.

Samantala, patuloy pa ring umeere sa TV5 ang “It’s Showtime” na dating mapapanood sa Kapamilya Channel.



via Balita

Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng:

#D3BIO

#DTX500

#PURECEE

#DTXCOFFEEMIX

Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.

Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog