SINAUNANG PIZZA, NATAGPUAN SA ISANG PAINTING SA ANCIENT RUINS NG POMPEII
Ni John Ronald Guarin
Natagpuan sa isang antique painting sa ancient Roman city ng Pompeii, Italy ang larawan ng pinaniniwalaang pinakaunang bersyon at posibleng “ninuno” ng pizza.
Ayon sa Italian Culture Ministry, ipinapalagay ng mga arkeologo na ang flat bread na ipinapakita sa painting, sa tabi ng isang baso ng alak, ay maaaring kinakain kasama ng mga prutas tulad ng mga pomegrate o dates, o nilalagyan ng mga pampalasa at isang uri ng pesto sauce.
Natagpuan ang naturang painting sa loob ng isang bahay na may konektadong panaderya, kung saan nagsagawa ang mga arkeologo ng excavation.
Kahit hindi pa opisyal ang pagdeklara nito bilang isang pizza, dahil kulang ito ng mga sangkap tulad ng kamatis at mozzarella, posibleng maging “distant relative of the modern dish" ang natagpuang pagkain sa painting.
Kilala ang Roman ancient city ng Pompeii sa Italy dahil sa kasaysayan nito lalo na sa naganap na pagsabog ng Bulkang Vesuvius noong 79 A.D at naging rason sa pagkawala ng nasabing lugar.

Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng:
Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.
Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!
0 Comments