HINDI PAGSAMA NG BULKANG MAYON SA OFFICIAL TOURISM VIDEO NG PILIPINAS,
IKINADISMAYA NI REP. SALCEDA
Ni Rio Trayco
Dismayado
si house ways and means panel chair at Albay Rep. Joey Salceda sa kaibigang
nitong si Tourism Secretary Christine Frasco, dahil sa hindi pagsama sa bulkang
Mayon sa bagong official tourism video ng Pilipinas.
Hindi
naitago ng kongresista ang pagkainis nito na sa kabila umano ng kasikatan ng
tinaguriang “Perfect Cone” na bulkan sa Albay ay hindi pa rin ito napansin ng
kalihim.
Ayon
kay Salceda, napasama naman sa Mayon volcano sa 50 major volcanoes and
mountains (by a pixel!) sa opisyal na tourism logo at slogan kaya nagtaka siya
na wala ito sa video.
Wala
pa namang tugon ang Department of Tourism at ang kalihim nito sa nasabing
pahayag.
Ang
bulkang Mayon ay isa sa mga sikat at paboritong tanawin ng mga turist sa Albay
at Malaki ang naitutulong nito sa industriya ng turismo sa lalawigan.
Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng:
#D3BIO
#DTX500
#PURECEE
#DTXCOFFEEMIX
Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan
at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s
Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.
Naga bandera it minatuod – tuod nga
serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!
0 Comments