SEX BILANG SPORT SA SWEDEN, FAKE NEWS PALA
Ni John Ronald Guarin
Ilang posts sa social media mula sa malalaking news outlet ang nag-viral dahil sa umano’y pagdeklara ng Sweden na ang pakikipagtalik o sex ay isang opisyal na sport, kung saan ang nasabing bansa ay magsasagawa umano ng “European Sex Championship” sa Hunyo 8, 2023.
Ngunit sa katunayan, ayon sa Swedish newspaper na Göteborgs-Posten, sinabi ng Swedish Sex Federation na hindi totoo ang “sex as sport” kahit mayroon silang kaparehong aktibidad, habang kinumpirma naman ng Swedish Sports Confederation (RF) na wala silang balak na gawing palaro ang pakikipagtalik kahit naging proposal ito mula sa strip club company na Bratych.
"It doesn't meet our requirements and I can inform you that this application has been rejected. We have other things to do," pahayag ng chairperson ng RF na si Björn Eriksson.
Dagdag pa ni Erikkson sa Swedish news outlet na TV4 sa programang Efter Fem noong Enero 2023, gusto niyang mawala na ang walang kwentang anunsyo dahil sa wala nga itong katotohanan.
Ang nasabing fake news ay nagsimulang kumalat sa social media platform na Twitter noong 2022.
Via | Snope and Wios
0 Comments