SB GUZMAN, MAY PAALALA SA MGA ABUSADONG
DRIVER SA KALIBO
Ni Jurry Lie Vicente
Umaapela si SB Member Matt Aaron Guzman sa mga abusadong
tricycle driver sa Kalibo na mamulat sa kanilang pang-aabuso sa mga commuters.
Aniya, pinagsisikapan nila na mahuli ang lahat ng mga
pasaway na drayber na nanlalamang sa kanilang pasahero.
Sa kabila nito, wala pa umanong barangay ang nakapasa ng
rates hinggil sa planong pagpapababa ng pamasahe sa Kalibo.
Nilinaw din nito na hindi pwedeng ang Sangguniang Bayan
ang manguna sa pagbibigay ng rates dahil may proseso aniyang sinusunod para
dito.
Kaugnay nito, dapat umanong pangunahan ng mga chairman ng
transportation sa bawat barangay ang inisyatibong makausap ang iba’t-ibang
sektor sa kanilang lugar kaugnay sa planong pagpapababa ng pamasahe.
Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng:
#D3BIO
#DTX500
#PURECEE
#DTXCOFFEEMIX
Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De
Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave.
Kalibo, Aklan.
Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag
kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!

0 Comments