SECURITY AT DEPLOYMENT NG KALIBO MPS, HANDA NA PARA SA SR.
SAN JUAN
Nakalatag na ang security at deployment ng Kalibo Municipal Police Station para sa selebrasyon Sr. San Juan De Bautista.
Ito ang ipinasiguro ni PLT.COL. Ricky Bontogon ng Kalibo
MPS, sa naging panayam dito sa programang Foro De Los Pueblos, kung saan hindi
lamang aniya naka pokus ang mga police personnel sa mga coastal areas sa
pagbabantay.
Bahagi rin aniya ng kanilang security plan na tutukan ang
iba pang lugar sa Kalibo dahil sa mga aktibidad na idadaos doon na inihanda ng
LGU, na inaasahan din na dadayuhin ng mga bisita.
Kaugnay dito, makakabutin din ayon kay Bontogon na siguruhin
ang kaligtasan ng bawat isa para sa mapayapang selebrasyon ng naturang
kapistahan.
Samantala, umapela rin ito sa publiko na huwag mag dalawang
isip na dumulog sa kanilang tanggapan sakali man na may mangyaring anumang
insidente/aksidente sa kanilang lugar upang agad itong maaksyunan.
//Teresa Iguid
Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng:
Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.
Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag
kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!
0 Comments