![]() |
Photo Courtesy from Terence Toriano |
MDRRMO KALIBO, PREPARADO NA PARA SA SELEBRASYON NG KAPISTAHAN NI SAN JUAN DE BAUTISTA
Preparado na ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) -Kalibo sa nalalapit na selebrasyon ng kapistahan ni Sr. San Juan de Bautista sa Hunyo 24.
Sa panayam sa programang Foro De Los Pueblos kay Terence Toriano ng MDRRMO-Kalibo, sinabi nito na katuwang ang iba pang kinauukulan ay handa na rin ang kanilang hanay para sa nasabing kapistahan.
Aniya simula ngayong araw ay mayroon nang ilalatag na mga tao upang panatilihin ang kaligtasan at seguridad sa gaganapin namang food festival.
Tututukan din aniya nila ang tatlong mga baybayin kung saan inaasahang dadagsa ang mga bisita dahil sa iba’t-ibang aktibidad na inihanda ng LGU Kalibo, sa araw naman ng kapistahan.
Kaugnay dito umapela naman si Toriano sa publiko nang dobleng pg-iingat at iwasan ang maging pasaway sa mga ipinapatupad na panuntunan ng otoridad.
Samantala, makakabuti din aniya na siguruhing ligtas ang mga tahanan bago ito iwan upang maiwasan ang anumang posibleng insidente tulad ng sunog.
//Teresa Iguid
Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng:
#D3BIO
#DTX500
#PURECEE
#DTXCOFFEEMIX
Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.
Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!
0 Comments