PINAKAMALIIT NA BAG SA BUONG MUNDO, MAKIKITA
LAMANG SA MICROSCOPE
Ni John Ronald Guarin
Ipinalabas ng art
collective na MSCHF ang maliit na bersyon ng isang Louis Vuitton handbag, kung
saan mas maliit pa ito sa isang butil ng asin.
Inilarawan ng
collective ang bag bilang "the final word in bag miniaturization"
dahil nasa 657 micrometres lamang ang taas nito at 700 micrometres na haba.
Napag-alaman din na
makikita lamang buong detalye nito sa isang microscope.
Gawa sa neon-green
photopolymer resin ang bag na binuo sa 3D printer na ginagamit lamang sa
biotech structures.
Ayon sa MSCHF, ginawa
nila ang microscopic bag dahil isa itong komentaryo tungkol sa pakinabang ng
mga maliliit na bag na nagiging abala sa mga bumibili at gumagamit nito.
"As a
once-functional object like a handbag becomes smaller and smaller its object
status becomes steadily more abstracted until it is purely a brand
signifier," pahayag ng collective.
Via Dezeen
Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng:
Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.
Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag
kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!
0 Comments