PAGLALARO NG LATO-LATO, IPAGBABAWAL SA LOOB NG KALIBO PILOT ELEMENTARY SCHOOL
Ni Teresa Iguid
Ipagbabawal na ang paglalaro ng sikat na laruang “lato-lato” sa loob ng Kalibo Pilot Elementary School.
Ito ang kinumpirma ng Punong-Guro ng nasabing paaralan na si Allan Relloto, matapos ang naging obserbasyon na maraming kabataan ang nahihilig sa paglalaro nito.
Ani Relloto, layon nitong hakbang na mapanatili ang seguridad ng mga estudyante at maiwasang maistorbo ang mga klase dahil sa may kalakasan nitong tunog.
Nangangamba rin aniya ito sa posibleng epekto sa kalusugan ng mga batang maglalaro nito makaraang mapaulat na walang kasiguraduhan na ligtas ang mga materyales na ginamit sa paggawa ng produkto.
Sa kabila nito ay hindi naman aniya nila tututulan ang paglalaro nito sa ibang lugar.
Samantala ang sinumang mahuhuli na naglalaro ng lato-lato sa loob ng nasabing paaaralan ay aasahan na masisita at posible din na kumpiskahin ito.
0 Comments