LDRRMO, NAGBIGAY NG PAHAYAG KAUGNAY SA BIKTIMANG TINAMAAN NG KIDLAT SA BAYAN NG NABAS
Ni Jurry Lie Vicente
Biglaan ang nangyaring
insidente habang nangingisda ang biktimang si John Rey Almoquera, 17-anyos at
residente ng Brgy. Libertad, Nabas, Aklan.
Sa panayam ng Radyo Bandera
Kalibo kay Mr. Reynard Dela Cruz ng LDRRMO Nabas, sinabi nito na kalmado ang
baybayin at walang alon dahilan para magpursige na mangisda ang biktima at mga
kasamahan nito.
Aniya, nakasakay ang biktima
sa bangka at isa pang kasamahan nito ngunit kaagad namang tumalon tubig ang
kasama nito nang magkaroon ng kidlat at naiwan si Dela Cruz.
Dahil dito, aksidenteng
tinamaan ng kidlat ang biktima sa dibdib at pribadong bahagi ng kanyang katawan
na naging dahilan ng ikinamatay nito.
Nabatid na isinugod sa Malay
Municipal Hospital ang biktima ngunit idineklara itong dead-on-arrival ng
doktor.
Ang balitang ito ay hatid sa
inyo ng:
#D3BIO
#DTX500
#PURECEE
#DTXCOFFEEMIX
Mabibili sa lahat ng mga
botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa
Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.
Naga bandera it minatuod –
tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!
0 Comments