ISANG OPISYAL NG GOBYERNO SA INDIA, PINA-DRAIN ANG TUBIG SA DAM DAHIL SA NAHULOG NIYANG CELLPHONE



ISANG OPISYAL NG GOBYERNO SA INDIA, PINA-DRAIN ANG TUBIG SA DAM DAHIL SA NAHULOG NIYANG CELLPHONE

Ni John Ronald Guarin

Sinuspinde ang isang opisyal ng gobyerno matapos nitong patuyuan ang isang dam sa Chhattisgarh, India.

Ayon sa report, nasa Kherkatta Dam ang Food inspector na si Rajesh Vishwas para mag selfie-selfie nang biglang mahulog sa dam ang cellphone nito na naglalaman umano ng mga private data.

Noong una, inutusan ni Rajesh ang mga local diver para sisirin ang nawawala niyang gadget, subalit hindi sila nag tagumpay.

Matapos nito, nagpakawala ng tinatayang dalawang milyong litrong tubig mula sa dam sa loob ng tatlong araw.

Marami ang nanghihinayang, lalo na ang opisyal ng water resource department, dahil posible na umano nitong mabigyan ng patubig ang nasa 600 hektarya ng sakahan.

Palusot naman ni Vishws sa kanyang pahayag sa local media, hindi umano nasayang ang na-drain na tubig dahil nakinabang naman dito ang mga magsasaka.

Natagpuan naman ang kanyang cellphone ngunit hindi na ito gumagana.

Sa ngayon, pinatawan ng suspensyon ang opisyal dahil sa kaniyang ginawa sa dam.

Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng:
Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.
Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog