Ikinatuwa ni Aklan Provincial Treasurer Mr. Dino Villaruel ang ipinakitang suporta ng Sangguniang Panlalawigan sa Senate Bill No. 2165 na naglalayong isabatas ang authomatic income classification ng mga probinsya, lungsod at mga munisipyo sa bansa.
Sa isinagawang panayam ng Radyo Bandera Sweet FM Kalibo
sa kanya, sinabi nito na maganda ang nasabing bill dahil ang kasalukuyang income
classification ng Aklan ay nasa second class municipality lamang kung saan 2008
pa ito huling na-classify.
Dagdag pa rito, mahusay umano ang inisyatibo ng Senado na
isabatas ang automatic na income classification kapag naabot ang kanilang mga brachet.
Samantala, maganda rin aniya ang maidudulot nito sapagkat
dahil dito ay makikita kung sino ang nagsusumikap na mga probinsya pagdating sa
kita at mga munisipyo na nagpupursige gayundin ang pagkakaroon ng pagbabago sa
sitwasyon nito.
|Jurry Lie Vicente
Ang balitang ito ay hatid sa
inyo ng:
#D3BIO
#DTX500
#PURECEE
#DTXCOFFEEMIX
Mabibili sa lahat ng mga
botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa
Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.
Naga bandera it minatuod –
tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!
0 Comments