KASO NG DENGUE SA BANSA, UMABOT NA SA 60,000
Ni Jurry Lie
Vicente
Pumalo na sa
halos 60,000 ang numero ng mga kaso ng dengue sa bansa ngayong taon, ayon sa Department
of Health (DOH).
Batay sa datos
ng ahensya mula Enero 1 hanggang Hunyo 3, 2023, umaabot na sa 58,444 ang kaso
ng dengue sa bansa kung saan mas mataas ito ng 17% kumpara sa 50,092 na naitala
sa parehong period noong 2022.
Umaabot naman
sa higit 200 na indibidwal ang nasawi dahil sa dengue ngunit mas mababa ito
kumpara sa 244 na nasawi sa parehong period noong nakaraang taon.
Kaugnay nito,
patuloy naman ang paalala ng ahensya sa publiko na mag-ingat laban sa dengue.
Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng:
#D3BIO
#DTX500
#PURECEE
#DTXCOFFEEMIX
Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa
Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building
Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.
Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo
publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!
0 Comments