AKTIBIDAD SA BULKANG MAYON, BAHAGYANG HUMUPA
Ni John Ronald Guarin
Bahagyang humupa ang aktibidad sa Bulkang Mayon sa nakalipas
na 24 oras.
Batay sa 24 hour monitoring ng PHIVOLCS, isa lamang ang
naitalang volcanic earthquake ng bulkan noong Hunyo 28, sa kabila na mahigit
100 volcanic earthquakes na naitala nitong nagdaang Martes, June 27.
Gayunman, umakyat naman sa 372 ang rockfall events sa bulkan
at mayroon ding 7 Dome-collapse pyroclastic density current events.
Nagpapatuloy rin ang lava flow sa bunganga ng bulkan na
umabot sa 1.6 kilometro sa Mi-isi Gully at 1.2 km sa Bonga Gully. May pagguho
rin ng lava hanggang 3.3 km mula sa crater ng Mayon.
Sa kabila nito niliwanag ng PHIVOLCS na hindi pa nila
nakikita ang pangangailangan na iakyat ang alert level sa bulkang Mayon na
ngayon ay nananatiling nasa Alert Level 3.
Ang bahaging ito ay hatid sa inyo ng:
Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.
Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo
publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!
0 Comments