GILAS PILIPINAS NASA RANK NO. 22 NG FIBA BASKETBALL WORLD CUP

 


GILAS PILIPINAS NASA RANK NO. 22 NG FIBA BASKETBALL WORLD CUP

Ni Rio Trayco

 

Papasok ang Gilas Pilipina sa 2023 FIBA Basketball World Cup na nasa number 22 mula sa kabuuang 32 bansa na inaasahang lalahok sa naturang tournament.

 

Base sa ranking ng world basketball federation, mas mataas ito kumpara sa mga bansa sa Asia-Oceania zone kagaya ng Iran (No. 31), Jordan (No. 28) and Lebanon (No. 26).

 

Inaasahang mas lalakas ang puwersa ng koponan ng Pilipinas dahil sa presensya ni Jordan Clarkson na mula sa Utah Jazz, at makakatulong rin ang hindi matatawarang suporta ng mga Pinoy fans na kilalang mahilig sa basketball.

 

Ngayong taon magsisilbing main host ang bansa at magiging co-host ang mga bansang Japan (No. 14), New Zealand (No. 16) at China (No. 21).

 

Unang makakalaban ng Gilas ang mga kasama nito sa Group na Dominican Republic (No. 12) at Italy (No. 13).

 

Ang bansang USA ang kasalukuyang Olympic champion sa World Cup habang mahigpit rin nitong katunggali ang Spain na nasa number 1.

 

 

Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng:

#D3BIO

#DTX500

#PURECEE

#DTXCOFFEEMIX

Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.

Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog