FOOD CART OWNERS SA KALIBO, INILIPAT NA SA IISANG PWESTO

 


FOOD CART OWNERS SA KALIBO, INILIPAT NA SA IISANG PWESTO

Ni Teresa Iguid

 

Masayang ibinahagi ng Poblacion Kalibo Brgy. Coucil ang kanilang inisyatibo na mailagay sa iisang lugar ang mga food cart owners.

 

Ito ay matapos ang ilang puna at rekomendasyon ng ilang indibidwal sa nasabing lugar na maisaayos ang pwesto nitong mga stall owners upang hindi makaabala sa daloy ng trapiko.

 

Sa panayam ng Radyo Bandera News Team kay Punong Brgy. Niel Candelario, sinabi nitong maliban sa pagiging organisado ay layon rin nitong hakbang na mabigyan ng sense of security ang mga naghahanapbuhay na kababayan upang maiwasan ang madalas na paglipat-lipat dahil sa pag-pwesto ng mga ito sa mga ipinagbabawal na lugar.

 

Inihayag rin nito na walang nagastos na halaga ang kanilang tanggapan dahil inisponsor ng pribadong kumpanya at indibidwal ang pagpapaayos ng naturang pwesto.

 

Sa ngayon ay nakapwesto na ang nasabing mga negosyante sa harap na bahagi ng Poblacion Brgy. Council.

 

Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng:

#D3BIO

#DTX500

#PURECEE

#DTXCOFFEEMIX

Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.

Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog