"GIBO" TEODORO JR., ITINALAGA BILANG SECRETARY NG DND




"GIBO" TEODORO JR., ITINALAGA BILANG SECRETARY NG DND 

Ni Rio Trayco 

Itinalaga bilang bagong Secretary ng Department of National Defense (DND) ang abogadong si Gilberto "Gibo" Teodoro Jr.

Inilabas ng Malacañang ang anunsyo matapos i-appoint si Teodoro sa puwesto ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. 

Magugunitang nabakante ang naturang posisyon ng halos isang taon dahil walang napili ang pangulo. 

Hindi na bago kay Teodoro ang magiging trabaho nito sa DND dahil dati na rin itong nagsilbi sa parehong departamento sa ilalim ng termino ni former president Gloria Macapagal-Arroyo. 

Napag-alamang siya ang pinakabatang naging DND Secretary sa kasaysayan ng bansa sa edad na 43.

Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng:
Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.
Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog