Photo Courtesy: Aklan PHO |
DENGUE
AWARENESS MONTH!
Ngayong
buwan ng Hunyo ay ipinagdiriwang ang Dengue Awareness Month.
Ang
naturang selebrasyon ay alinsunod sa Proclamation No. 1204 noong Abril 21, 1998
na nilagdaan ni dating Pangulong Fidel V. Ramos.
Layunin
ng selebrasyong ito na maipaalam sa publiko ang mga kaalaman ukol sa mga paraan
ng pag-iwas at pagkontrol sa dengue mula sa pagtutulungan ng bawat national at
local na ahensya ng pamahalaan gayundin ang mga pribadong NGOs.
Sa
ngayong taong selebrasyon ng Dengue Awareness Month ay mas pinagtibay pa ng
Department of Health ang kanilang programang 4S Kontra Dengue na ngayo’y 5S na.
Narito
ang mga dapat tandaan upang maiwasan ang dengue mula sa konseptong 5S:
✅
Search and destroy mosquito breeding places tulad ng mga lumang gulong, paso,
balde at drum
✅
Secure self-protection tulad ng pantalon, long sleeved na damit, at mosquito
repellant
✅
Seek early consultation lalo na kung may sintomas ng dengue tulad ng mataas na
lagnat at sakit ng kasu-kasuan, at pananakit ng likod ng mata
✅
Support fogging and spraying only in hotspot areas
✅
Sustain hydration lalo na kapag nilalagnat dahil sa dengue
Samantala,
paalala ng DOH sa publiko na panatilihin ang kalinisan sa loob at labas ng
tahanan lalo na’t papasok na ang panahon ng tag-ulan.
|ISA MAE ZAULDA
Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng:
#D3BIO
#DTX500
#PURECEE
#DTXCOFFEEMIX
Mabibili
sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and
Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.
Naga
bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it
Aklan, RADYO BANDERA!
0 Comments