BULKANG MAYON AT TAAL, NAGPAPATULOY ANG IPINAPAKITANG AKTIBIDAD SA NAKALIPAS NA 24 ORAS
Ni John Ronald Guarin
Patuloy ang ipinakikitang mga aktibidad ng Bulkang
Mayon at Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras.
Ayon sa PHIVOLCS, nakapagtala ng dalawang volcanic
earthquakes sa Bulkang Mayon, 284 na rockfall events, at pitong dome collapse
pyroclastic density current events sa crater ng bulkan.
Habang siyam na volcanic earthquakes naman ang
naitala sa Bulkang Taal, kabilang dito ang limang volcanic tremor na tumagal ng
dalawang minuto.
Aabot naman sa 7,480 na tonelada ng asupre o sulfur
dioxide ang ibinuga ng Taal.
Nagkaroon din ng malakas na pagsingaw na nasa 2,400
metro ang taas na napadpad sa timog-kanluran at hilangang-silangan ng bulkan.
Sa kabila ng ipinakikitang mga aktibidad ng dalawang
bulkan, nananatili pa rin sa Alert Level 3 ang Bulkang Mayon at Alert Level 1
ang Bulkang Taal.
Ang bahaging ito ay hatid sa inyo ng:
Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.
Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo
publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!
0 Comments