‘YELLOW ALERTS’ SA SUPLAY NG KURYENTE, POSIBLENG MAGPAPATULOY NGAYONG BUWAN NG MAYO


Ni Sam Zaulda

Posibleng magpapatuloy pa sa ‘Yellow Alert’ ang suplay ng kuryente ngayong buwan ng Mayo, ayon sa Department of Energy.

Inaasahang mararanasan sa bansa ang “worst-case scenario” dahil sa hindi gumaganang Ilijan natural plant dulot ng maintenance repairs.

Ipinahayag ni Usec. Rowena Guevarra na malaking kawalan aniya ang nasabing planta sa Batangas lalo na’t 10 porsiyento ng pangangailangan sa kuryente sa Luzon ay isinusuplay nito.

Umaasa naman si Guevarra na maibabalik sa Mayo 26 ang operasyon ng 1,200 MW power facility sa Batangas.

Samantala, nauna nang inanunsiyo ng DOE na posibleng aabot sa 15 yellow alerts ang itataas ngayong taon dahil sa pagnipis ng suplay ng kuryente.

Ang bahaging ito ay hatid sa inyo ng:

#D3BIO

#DTX500

#PURECEE

#DTXCOFFEEMIX

Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.

Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog