Iniimbestigahan na ng Kalibo PNP ang kumakalat na post sa social media kaugnay ng isang foreigner na nag-iikot umano at nag-aalok ng pera para sumama sa kanya.
Ayon sa pahayag ni Kalibo PNP Chief PLTCOL. Ricky Bontogon, wala pa silang natatanggap na report tungkol dito, pero kasalukuyan na itong ipina-verify ng otoridad.
Batay sa mga post sa Facebook, namataan ang nasabing indibidwal sa ilang bayan sa Aklan sakay ng kanyang NMax na motor.
Bagama’t
wala pang opisyal na nagrereklamo, nagpasalamt ang otoridad sa publiko na
naipapaalam sa kanila ang ganitong report para sa mabilis na aksyon ukol dito.
Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng:
#D3BIO
#DTX500
#PURECEE
#DTXCOFFEEMIX
Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.
Naga
bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it
Aklan, RADYO BANDERA!

0 Comments