Inirekomenda ni SB Member Phillip Yerro Kimpo Jr. kay Kalibo Mayor Juris Bautista Sucro, ang paglaan ng pondo mula sa Sports Development Fund bilang Training Fees ng mga Atletang Kalibonhon sa Palarong Pambansa.
Ito ay makaraang magpakita nang galing ang mga naturang atleta sa kakatapos lamang na Western Visayas Regional Athletic Association (WVRAA) 2023 Meet.
Nabatid kay SB Kimpo, na ang bayan nga Kalibo ay magbibigay ng P1,000.00 na insentibo sa bawat Atleta at Coach na nanalo ng medalya.
Nararapat lamang aniya na bigyan ng suporta ang mga ito para sa Palarong Pambansa na nakatakdang isagawa sa Hulyo hanggang Agosto 2023 sa Marikina City, matapos ang kanilang ipinamalas na kaaya-ayang galing sa ilalim ng DEPED Unit V.
Samantala, umaasa naman si Kimpo na kung makakapagbigay ng dagdag na insentibo ang Munisipyo ay malaki itong tulong sa mga atletang Kalibonhon.
Via |
LGU Kalibo
Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng:
#D3BIO
#DTX500
#PURECEE
#DTXCOFFEEMIX
Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.
Naga
bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it
Aklan, RADYO BANDERA!

0 Comments