TATLONG BAYAN SA ILOILO, INATAKE NG ITIM NA ATANGYA
Ni John Ronald
Guarin
Naiulat na mayroong
sighting ng itim na atangya o black rice bugs sa tatlong mga bayan sa probinsya
ng Iloilo: Concepcion, Cabatuan, at Pototan.
Ayon kay Provincial
Agriculture Office (PAO) chief, Dr. Ildefonso Toledo unang na-report ang
presensya ng atangya sa Concepcion matapos makatipon ang mga residente ng saku-sakong
mga rice black bugs sa covered court ng Barangay Aglosong.
Sa pahayag ni Toledo,
nagkaroon ng basketball tournament ang nasabing barangay kung saan gumamit ito
ng sobrang maliwanag na ilaw rason na inaamag na ito ng rice black bugs.
Maliban sa
Concepcion, sinabi rin ni Toledo na nakakatanggap sila ng verbal report mula sa
bayan ng Cabatuan at Pototan na may presensya sila ng itim na atangya sa iilang
mga taniman.
📷 VELMA CAICTEN
Ang balitang ito ay
hatid sa inyo ng:
Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.
Naga
bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it
Aklan, RADYO BANDERA!
0 Comments