DENR AT 5 PROBINSYA, GUSTO GAWING ‘PROTECTED AREA’ ANG VERDE ISLAND PASSAGE

 



DENR AT LIMANG PROBINSYA, GUSTO GAWING ‘PROTECTED AREA’ ANG VERDE ISLAND PASSAGE

 

Ni John Ronald Guarin

 

Nais ng Department of Environment and Natural Resources at mga gobernador ng limang probinsya na maisabatas ang pagiging protected area ng Verde Island passage.

 

Ayon sa DENR, nais nilang protektahan ang tahanan ng libu-libong marine species dahil itinuturing itong ‘center of the world’s biodiversity.’

 

"This highest level of protection for what is touted as the center of the world's marine biodiversity will keep VIP as a sanctuary to thousands of marine species and off limits to business activities that will threaten its pristine ecosystem," pahayag ni Environment Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga.

 

Ang naturang passage na kilala bilang "Amazon of the oceans" ay may 1,700 fish species, mahigit 300 coral species at libu-libong iba pang marine organisms.

 

Dagdag pa ng DENR, ang naturang marine corridor ay nagbibigay kabuhayan at iba pang benepisyo sa mahigit 2 milyong katao.

 


📷 CEED Philippines

 

Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng:

#D3BIO

#DTX500

#PURECEE

#DTXCOFFEEMIX

Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.

 

Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog