Itinutulak ngayon sa Sangguniang Bayan ng Kalibo ang
pagsagawa ng saranggola festival sa nasabing bayan.
Nabatid na una na ring nagkaroon ng kite festival ilang
taon na ang nakakalipas, kung saan may mga inupahang tao ang LGU na siyang
in-charge sa pag gawa ng iba’t-ibang disenyo at matitibay na saranggola.
Sa kabilang banda, ipinunto din ng ilang miyembro ng SB
ang ilang regulasyon ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na
nagbabawal sa pagpalipad ng kahalintulad na bagay mula 4-8 kilometer radius.
Dahil dito, nakatakdang magpatawag ng committee meeting
kasama ang CAAP, upang mapag-usapan ang sakop ng kanilang regulasyon at kung
posibleng maisagawa ang naturang festival.
Samantala layon nitong saranggola festival na makatulong
sa tourism promotion sa bayan ng Kalibo, na inaasahang dadagsain dahil sa
nasabing aktibidad.
Ang bahaging ito ay hatid sa inyo ng:
#D3BIO
#DTX500
#PURECEE
#DTXCOFFEEMIX
Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De
Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave.
Kalibo, Aklan.
Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag
kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!
0 Comments