KALIBO MAYOR SUCRO, UMAASANG MASOSOLUSYUNAN ANG MADALAS NA PROBLEMA SA UNSCHEDULED POWER INTERRUPTIONS



Ni Teresa Iguid

Umaasa ngayon si Kalibo Mayor Juris Sucro na mabibigyang solusyon na ang madalas na problema sa unscheduled power interruptions, lalo na sa probinsya ng Aklan. 

Ito ay matapos ang kaniyang naging personal na pag dulog sa tanggapan ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) upang ibigay ang liham na humihingi ng eksplinasyon sa nangyaring power outage. 


Sa panayam kay Hon. Mark Sy sa programang Foro De Los Pueblos, sinabi nitong iginiit ni Mayor Sucro ang kaniyang personal na pagbisita sa tanggapan ng NGCP upang maipaabot nito mismo ang sentimyento ng publiko partikular ng mga Aklanon sa naturang pangyayari.
 

Paliwanag ni Sy, marami ang naaapektuhan tuwing nangyayari ang unscheduled power interruptions, lalo na ang mga vital facilities tulad na lamang ng mga ospital, kung kaya’t layon aniya ngayon ng alkalde na maiwasan na itong maulit pa. 

Samantala, umaasa rin aniya ngayon si Sucro na gagawin ng mga kinauukulang ahensya tulad ng NGCP ang kanilang responsibilidad upang maisaayos at mapabuti ang kanilang serbisyo sa mga konsyumer.

Ang bahaging ito ay hatid sa inyo ng:

#D3BIO
#DTX500
#PURECEE
#DTXCOFFEEMIX

Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.

Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!

 

 

 

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog