“She is our forever goddess of rock ‘n’ roll who contained a magnitude of inner strength that grew throughout her life”.
Tina Turner & Oprah Winfrey |
Sumakabilang-buhay na sa edad na 83-anyos ang tanyag na US singer na si Tina Turner nitong Mayo 24, 2023.
Unang sumikat si Turner nang
ito’y maging lead singer sa Ike & Tina Turner Revue noong 1957 bago ito
naging solo performer.
Limang dekada ding
napanatili ni Turner ang pagiging hit records kasama ang asawa nitong si Ike
Turner hanggang sa pagiging solo artist.
Ike & Tina Turner |
Maliban dito, walong beses
ring nanalo si Tina Turner sa Grammy Awards at binansagan din itong “Queen of
Rock and Roll”.
Ayon sa Billboard, nasa
mahigit 100 million records na ang naibenta ni Turner sa buong mundo at
nakipagsabayan pa sa ilang mga performers tulad ni Janet Jackson, Madonna at
Beyonce.
Bagama’t nakaranas ito ng
kalungkutan mula sa pamilyang kinabibilangan nito pati na ang pang-aabusong
dinanas mula sa asawang si Ike Turner, nananatili itong matatag at
ipinagpatuloy ang nasimulang karera.
Sa paglisan ng “Queen of
Rock and Roll”, ilan sa mga kaibigan nito ang nagpaabot ng pagdadalamhati at
pagpupugay sa ilang dekadang pamamayagpag bilang top performer sa buong mundo.
Isa na rito si Oprah Winfrey
na nagbahagi ng kanyang mga litratong kasama si Tina Turner.
“She was a role model not only for me but
for the world. She encouraged a part of me I didn’t know existed.”
|SAM ZAULDA
Ang balitang ito ay hatid sa
inyo ng:
#D3BIO
#DTX500
#PURECEE
#DTXCOFFEEMIX
Mabibili sa lahat ng mga
botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa
Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.
Naga bandera it minatuod –
tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!
0 Comments