Tinututukan na ngayon ng mga kinauukulan ang inaasahang pagpasok
sa bansa ng binabantayang bagyo sa labas ng Philippine Area of Responsibility
(PAR).
Sa panayam sa programang Foro De Los Pueblos kay Terrence Toriano ng MDRRMO-Kalibo, sinabi nitong maaaring palakasin ng naturang sama ng panahon ang southwesterly surface wind flow na magpaulan sa western sections ng Luzon, at buong Visayas at Mindanao.
Paliwanag ni Toriano, mas malaki ang tyansa na mabuo ang isang malakas na bagyo ngayong tag-init kumpara sa panahon ng tag-ulan dahil isa aniya sa trigger factor upang mabuo ito ay ang mainit na panahon.
Kaugnay dito, patuloy aniya ang kanilang ginagawang monitoring sa posibleng mga pag-ulan, high tide at pagguho ng lupa partikular na sa probinsya ng Aklan.
Habang pinayuhan naman nito ang lahat na maghanda lalo na ang mga naninirahan sa tabing dagat, at siguraduhin na mayroong disaster kit.
Samantala, nananatili pa ring nasa labas ng PAR ang bagyong
Mawar na sa kasalukuyan ay nasa super typhoon category at nananalasa sa Guam.
|Teresa Iguid
Ang balitang ito ay hatid sa
inyo ng:
#D3BIO
#DTX500
#PURECEE
#DTXCOFFEEMIX
Mabibili sa lahat ng mga
botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa
Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.
Naga bandera it minatuod –
tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!
0 Comments