Nasa P2.6
million ang mawawalang income sa Municipal Economic Enterprise and Development
Office (MEEDO) sakaling maaprubahan ang dalawang taong extension ng validity
period ng motorized tricycle operators permit o franchise sa mga tricycle na
bumabyahe sa bayan ng Kalibo.
Ito ang
inihayag ni Ms. Mary Gay Joel, MEEDO Head, sa panayam ng Radyo Bandera Sweet FM
Kalibo.
Aniya, hindi
ito pabor sa panukala sapagkat nasa halos P1.3 million ang mawawalang kita nito
sa MEEDO kada taon.
Paliwanag pa
nito, wala umanong kaso mag-extend basta’t may bayad ang dalawang taong
extension ngunit nakasaad aniya sa propose ordinance na libre ito.
Iginiit pa
nito na halos nasa isang daan ang job order personnel na maaapektuhan sa MEEDO
kapag natuloy ang panukala.
Kaugnay nito,
hinihiling niya sa Sangguniang Bayan na tiyaking taga Kalibo ang mga franchise
holder na makabenepisyo kung layunin nitong makatulong sa Kalibonhon.
|Jurry Lie Vicente
Ang balitang
ito ay hatid sa inyo ng:
#D3BIO
#DTX500
#PURECEE
#DTXCOFFEEMIX
Mabibili sa
lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness
Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.
Naga bandera
it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan,
RADYO BANDERA!
0 Comments