From Left to Right (Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Dennis Trillo, Barbie Forteza, at Julie Anne San Jose) |
Pasok na mga nominado ang
ilang sikat na local artists para sa kategoryang Outstanding Asian Star ng Seoul
International Drama Awards 2023 (SDA).
Kabilang sa mga nominado ang
tambalang KathNiel (Kathryn Bernardo at Daniel Padilla); Barbie Forteza, Dennis
Trillo at Julie Anne San Jose.
Pinagbidahan nina Daniel at
Kathryn ang Kapamilya series na 2 Good 2 Be True habang sa Kapuso series naman
na Maria Clara ay bumida sina Barbie, Dennis at Julia.
Kaugnay nito, isa sa mga
nabanggit na nominado ang tatanghaling Outstanding Asian Star ng SDA 2023.
Nauna nang inilabas ng Seoul
Drama Org na tanging si Kathryn lang ang nominado para sa nasabing kategorya
ngunit nilinaw naman ito ng organizers na kasama rin sa nominado sina Dennis,
Barbie, Julie at Daniel.
Sa kabilang banda, may ilan
ding mga stars mula sa ibang bansa ang kasama sa mga nominado ng kaparehong
kategorya.
Para sa South Korean, kasama
sa mga nominado sina Song Joong Ki (Reborn Rich), Song Hye Kyo (The Glory),
Park Eun Bin (Extraordinary Attorney Woo), Lee Je Hoon (Taxi Driver), at Yoona (Big Mouth).
From Left to Right (Song Joong Ki, Park Eun Bin, Lee Je Hoon, Song Hye Kyo at Yoona) |
Left to Right (Dylan Wang at Yu Shuxin) |
Sa Thailand, nominado ang actor/singer/songwriter na si Nichkhun ng 2PM; sa Japan, sina Tsuyoshi Kusanagi at Kento Yamazaki; at sa Taiwan, si Vivian Sung.
Left to Right (Nickhun, Tsuyoshi Kusanagi, Kento Yamazaki at Vivian Sung) |
Binigyang-linaw naman ng
organizer na tanging mga celebrities ng kani-kanilang bansa ang nakatakdang
maglalaban-laban.
Samantala, manggagaling ang resulta
ng mananalo mula sa fan votes sa pamamagitan ng Idol Champ app na magsisimula sa Hunyo 15.
Ang balitang ito ay hatid sa
inyo ng:
#D3BIO
#DTX500
#PURECEE
#DTXCOFFEEMIX
Mabibili sa lahat ng mga
botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa
Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.
Naga bandera it minatuod –
tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!
0 Comments