𝐖𝐄𝐀𝐓𝐇𝐄𝐑 𝐔𝐏𝐃𝐀𝐓𝐄| MATA NG SUPER TYPHOON MAWAR, MAKIKITA NA




WEATHER UPDATE| Tanaw na muli ang mata ng SUPER TYPHOON MAWAR matapos manalasa sa bansang Guam kahapon at ngayo'y nagbabadya nang pumasok ng Philippine Area of Responsibility bukas ng gabi o sa madaling araw ng Sabado. Tatawagin itong Betty ng PAGASA sa oras na makapasok ito ng PAR.

Sa ngayon ay nananatiling mababa ang posibilidad ng landfall scenario sa bansa, ngunit mas inaasahan na ngayon ang paglapit nito sa Extreme Northern Luzon sa Lunes-Miyerkules, Mayo 29-31, bilang isang mapaminsalang bagyo.

Ayon sa Japan Meteorological Agency (JMA), posibleng umabot sa pagiging "VIOLENT" ang kategorya ng bagyo pagpasok nito ng PAR taglay ang lakas na umaabot sa 205 kph at bugsong umaabot sa 290 kph.

via Philippine Weather System/Pacific Storm Update

|SAM ZAULDA

Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng:

#D3BIO

#DTX500

#PURECEE

#DTXCOFFEEMIX

Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.

Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!

 


Post a Comment

0 Comments

Search This Blog