LGU-KALIBO, PLANONG MAGTALAGA NG STREET SWEEPERS SA POOK JETTY PORT, MGA MAGKAKALAT NG BASURA, HUHULIHIN

 


 



Plano ngayon na magtalaga ng dalawang Job Order personnel ang LGU-Kalibo na siyang magpapanatili ng kalinisan sa dinarayong Pook Jetty Port. 

Itong hakbang ay pinag-usapan sa SB Kalibo, matapos mabatid na magmula umaga hanggang gabi ay patuloy ang pagdaratingan ng mga namamasyal sa lugar na isa naman sa mga tinitingnang rason kung bakit maraming mga nakokolektang basura doon. 

Dito ay ipinunto ang kahalagahan ng personnel na siyang tututok sa paglilinis sa itinuturing na tourist attraction. Habang inirekomenda rin ang pagtalaga ng magbabantay at manghuhuli sa mga magtatapon o mag-iiwan ng kalat. 

Paliwanag ng ilang myembro ng SB, bagama’t nagkakaroon ng clean up drive Brgy. council ng Pook, kulang pa rin umano sa man power ang mga ito upang matugunan ang araw-araw na problema.

Sa huli ay napagkasunduan na maglagay ng street sweepers at huhulihin naman ang makikitang magkakalat ng basura na layong maipatupad ang disiplina sa mga bisita at mapanatili ang kalinisan doon.

|Teresa Iguid 

 

Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng:

#D3BIO

#DTX500

#PURECEE

#DTXCOFFEEMIX

Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.

Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog