Nakatakda
nang tukuyin ngayong araw ang mga lugar na pasok sa 500 meter radius sa Brgy. Caano Kalibo.
Ito
ang sinabi ni Mr. Uriel Las Piñas, Municipal Agricultural Officer ng Kalibo,
kaugnay sa naitalang unang kaso ng ASF sa nasabing Barangay.
Aniya
maraming posibleng carrier ng virus sa mga baboy maliban sa pagkaing ibinibigay
dito, ilan aniya dito ang mga migrant birds, ang maluwag na security measures
sa kulungan ng mga ito at ang mismong tao na posibleng nakapunta sa lugar na
may positibong kaso.
Dahil
dito, hinimok ni Las Piñas ang mga raisers na hanggat maaari ay iwasang pumunta
sa mga lugar na may positibong kaso ng ASF, panatilihin ang pag disinfect bago
pumunta sa mga alagang baboy at maaari rin aniya na maglagay ng net sa paligid
ng kulungan upang maiwasang pasukin ng ibon.
Kaugany
dito, ipinagpasalamat naman nito ang pagkakasailalim sa state of calamity ng
probinsya dahil malaki aniyang budget ang kakailanganin sa pagsagawa ng
depopulation.
Sa
ngayon ay patuloy ang kanilang monitoring lalo na sa mga kalapit na Barangay ng
Caano habang nakatakda namang isasailalim sa depopulation ang mga alagang baboy
sa lugar na mapapabilang sa 500meter radius.
|Teresa
Iguid
Ang programang ito ay hatid sa inyo ng:
#D3BIO
#DTX500
#PURECEE
#DTXCOFFEEMIX
Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.
Naga
bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it
Aklan, RADYO BANDERA!
.png)
0 Comments