14 NA LUGAR SA PILIPINAS, NAKARAMDAM NG MATINDING INIT


 

Bagamat inuulan na ang ilang mga lugar sa Pilipinas, mayroon pa ring mga lokasyon ang nakakaranas ng matinding init. 

Kung saan, umaabot sa “dangerous” level ang heat index value nito batay sa 14 na monitoring stations ng PAGASA (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration) nitong Linggo, Mayo 21. 

Ayon sa datos ng PAGASA, nakapagtala ng delikadong heat index nitong Linggo ang Aparri, Cagayan (46°C); Masbate City, Masbate (44°C); Roxas City, Capiz (44°C); Tuguegarao City, Cagayan (44°C); Baler, Aurora (43°C); Dagupan City, Pangasinan (43°C); Dipolog City, Zamboanga del Norte (43°C); Laoag City, Ilocos Norte (42°C); Catarman, Northern Samar (42°C); Catbalogan, Western Samar (42°C); Clark Airport, Pampanga (42°C); Central Luzon State University, Muñoz, Nueva Ecija (43°C); Iba, Zambales (42°C); at Surigao City, Surigao del Norte (43°C). 

Samantala, nai-rekord naman sa syudad ng Legazpi sa lalawigan ng Albay ang pinakamataas na heat index na nasa 50 °C noong Mayo 12. 

|SAM ZAULDA 

Ang programang ito ay hatid sa inyo ng: 

#D3BIO

#DTX500

#PURECEE

#DTXCOFFEEMIX 

Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan. 

Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog