OIL PRICE UPDATE| Posible muli ang pagtataas sa presyo ng
gasolina at diesel sa susunod na linggo, matapos ang sunod-sunod na malakihang
rollback kamakailan.
Base sa unang tatlong araw na trading sa world market,
maaaring tumaas ang P3.60 sa kada litro ng diesel at P3.00 sa kada litro ng
gasolina.
Habang nasa P0.50 kada litro naman na bawas sa presyo ng
kerosene ang inaasahan.
Samantala inaasahan naman na pagdating sa produktong LPG ay
posibleng walang maging pagbabago sa presyo nito simula ngayong Mayo.
✍TERESA IGUID
0 Mga Komento