DOE HINIKAYAT ANG PUBLIKO SA PAGTITIPID NG KURYENTE

 

Hinikayat ng Department of Energy (DOE) ang mga power consumer na makiisa sa Oras Natin sa Efficiency (ONE) mula alas-8 hanggang alas-9 ng gabi tuwing Sabado, simula ngayong weekend.

 

Ayon kay DOE Energy Utilization Management Bureau Director Patrick Aquino, layunin nitong programa ng gobyerno na makatulong sa posibleng epekto ng krisis sa suplay ng langis dulot ng tensyon sa Middle East.

 

Napag-alaman na umabot sa 145 megawatts ang natipid noong Earth Hour noong Marso 28, na katumbas ng kuryenteng maaaring magpatakbo ng humigit-kumulang isang milyong kabahayan.

 

Kaugnay nito umaasa rin ang ahensya na lalahok ang pribadong sektor gayundin ang mga organisasyong sibiko sa naturang lingguhang aktibidad sa mga susunod na linggo.

 

✍️ TERESA IGUID

 

Ang bahaging ito ay hatid sa inyo ng:

D3BIO, DTX500, MIGHTY CEE, DTX COFFEE MIX

👉Mabibili sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmeña Ave., Kalibo, Aklan.

For More Inquiries Call Us At: 0966-901-9208

MAKINIG SA KAMPEON NA ISTASYON SA KALIBO, ANG K5 NEWS FM 94.5

BANDERA NOON, K5 NEWS FM NA NGAYON!

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento

Hanapan ang Blog na Ito