Idineklarang
patay ang isang pulis sa Police Regional Office 13 sa Caraga matapos itong
makaranas ng kumplikasyon sa natamo nitong mga sugat mula nang ito’y makuryente
habang nagsisilbi ng warrant of arrest sa isang suspek.
Ayon sa ulat,
noong Hulyo 25, 2025 ay tumungo si Pat. Jankent C. Tuazon sa kinaroroonan ng akusado
upang isilbi ang warrant of arrest sa isang babae na lumabag sa Republic Act
10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Ngunit, biglang
in-activate ng akusadong si Luisa ang electric fencing system dahilan na
nakuryente ang pulis at nagtamo ng malubhang mga sugat.
Nawalan naman
ng malay ang pulis kung kaya’t isinugod ito sa ospital at na-diagnosed ng cardiac
arrhythmia secondary to electrocution.
Ilang sandali
pa, inilipat sa ibang ospital ang pulis at na-diagnosed ng hypoxic
encephalopathy secondary to post-cardiac arrest na sanhi ng pagkakuryente.
Nitong Agosto
10, na-cardiac arrest ang pulis sa intensive care unit (ICU) at dito na siya
tuluyang binawian ng buhay.
Si Tuazon ay
isang miyembro ng 1301st Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion
(RMFB-13) at nag-umpisang pumasok sa serbisyo noong Oktubre 15, 2018.
Samantala,
tiniyak ng ahensya na makakatanggap ng financial support at iba pang mga tulong
ang naiwang pamilya ng naturang pulis.
0 Comments