PCG, SUMALI SA EXERCISE ALALAYAN 2025 SA CEBU


 

Nakilahok ang Philippine Coast Guard (PCG) sa Exercise Alalayan 2025 nitong Mayo 22 hanggang 23, 2025 sa Mactan, Lapu-Lapu City sa Cebu.

Ang Exercise Alalayan 2025 ay isa sa mga flagship capacity-building activities ng National Maritime Center (NMC). Ito ay pinondohan ng Expertise France at sinusuportahan ng European Union sa pamamagitan ng CRIMARIO II Project.

Layunin ng naturang exercise ang masubukan ang full range ng kakayahan ng interagency kabilang na ang tracking, interception, boarding, inspection, evidence handling, at emergency responses tulad ng firefighting at search and rescue (SAR).

Samantala, kasama sa exercise ang Philippine Navy, Philippine National Police-Maritime Group, Bureau of Customs, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Bureau of Immigration, Bureau of Quarantine, at ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) bilang patunay na ang bawat ahensya ng gobyerno ay nakikiisa sa pagpapanatili ng seguridad sa maritime.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog