JEEP, TUMAGILID SA ILOILO; 38 SUGATAN


 


Sugatan ang 38 katao matapos tumagilid ang isang jeep na papunta sana sa isang beach resort sa Miag-ao, Iloilo.

Sa ulat, nangyari ang insidente sa Barangay Maninila nitong Sabado ng umaga.

Sakay ng naturang jeep ang halos sa 60 katao kung kaya’t ito’y overloaded na.

Kung saan, bukod sa punuan sa loob mismo ng jeep ay mayroon pang nakapwesto sa bubong nito.

Nung nasa pakurbadang bahagi na ng kalsada ay bigong makontrol ng drayber ang manibela dahilan na tuluyan itong naaksidente at tumagilid.

Agad na dinala sa ospital ang mga sugatan habang may isang na-fracture sa binti.

Sa ngayon ay ikinustodiya na ng pulisya ang nasabing jeep na posibleng mahaharap sa kaukulang reklamo.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog