Kinumpirma ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na hindi
kasama ang mga pambansang bayani sa bagong serye ng polymer banknotes.
Ayon kay Atty. Sarah Severina Curtis, director ng BSP
Banknotes at Securities Production Management Department, tinanggal na ang mga
imahe ng mga bayani sa bagong pera na P500, P100, at P50 banknotes ngunit
mananatili pa rin ito sa mga paper banknotes na nasa circulation na.
Sa halip ay itinampok sa bagong banknotes ang mga native
at protected animals at mga tanim maging ang mga tradisyunal na local weave
designs.
Kabilang sa mga hayop na itinampok sa banknotes ang naispatang
Visayan deer, Palawang peacock pheasant at ang whale shark.
Idiniin ni Curtis na ginawaran bilang “Banknote of the Year”
sa taong 2023 ang Philippines’ 1000-Piso polymer o ang “plastic” banknote ng
International Banknote Society (IBNS).
Maliban dito ay hindi na rin makikita sa bagong pera ang
mga imahe ng pangulo ng Pilipinas ngunit mananatili pa rin sa mga umiiral na
paper banknotes.
Ipinahayag ng August Twenty-One Movement (ATOM) na ito
ang kauna-unahan sa kasaysayan na hindi kasama sa disenyo ng Philippine currency
ang imahe ng mga bayani ng bansa.
Samantala, sinabi pa ng BSP na ititigil na nila ang
produksyon ng 200-peso banknotes dahil sa mababang demand.
0 Comments