ISANG PILIPINONG PARI, ITINALAGA NI POPE FRANCIS NA BAGONG AUXILLIARY BISHOP SA MELBOURNE

 


Itinalaga ni Pope Francis ang isang Filipino missionary priest bilang isa sa dalawang bagong auxiliary bishops ng Archdiocese ng Melbourne sa Australia.

Ayon sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), inanunsyo ng Vatican ang pagkakatalaga ni Fr. Rene Ramirez at Fr. Thinh Nguyen bilang auxiliary bishops sa Melbourne Archbishop Peter Andrew Comensoli.

Kasama nina Ramirez at Nguyen ang tatlo pang ibang auxiliary bishops na sina Marti Ashe, Terence Robert Curtin at Anthony John Ireland upang magsilbi sa 1.26-milyon na mga Katoliko ng Melbourne archdiocese.

Si Ramirez ang nagsilbing parish priest mula pa noong 2013 sa St. Mel sa Shepparton at Saint Malachy sa Nagambie sa kalapit na Diocese of Sandhurst.

Ipinanganak si Ramirez sa Gapan City, Nueva Ecija noong Marso 1969. Pinasok nito ang congregation ng Rogationist Fathers of the Heart of Jesus matapos ang pag-aaral sa primary at secondary.

Samantala, nagtapos ito ng kaniyang bachelor’s degree in philosophy sa Adamson University in Manila at nagtuloy ng master’s degree sa education management sa De La Salle University-Dasmariñas sa Cavite.




Post a Comment

0 Comments

Search This Blog