HUMANOID ROBOT NA KATUWANG SA MAINTENANCE NG TREN, INILUNSAD SA JAPAN

 


Ipinakilala na sa publiko ang higanteng humanoid robot ng Japan na kanilang katuwang sa pagpapanatili ng railway ng tren at iba pang kumplikadong gawain.

Ang naturang robot ay may taas na 40-foot (12 meters) na nakadikit sa truck, may malalaking braso at mga mata kung saan naroroon ang camera.

Ayon kay Kazuaki Hasegawa, president ng West Japan Railway, makakatulong ang nasabing teknolohiya sa pagtugon ng kakulangan sa manggagawa at maiwasan ang aksidente tulad ng pagkahulog at electric shock.

Pinapatakbo ng isang tao ang robot sa isang cockpit ng truck gamit ang camera na nakalagay sa mga mata nito upang makontrol ang galaw ng robot.

Kayang-kaya ng humanoid robot na imaniobra at buhatin ang mga mabibigat na bagay tulad ng steel pipes, plates, at wires.

Mayroon rin itong espesyal na goggles na naka-connect sa mga mata ng robot upang maging sakto ang pagkontrol sa mga kamay nito.

Maliban sa pag-maintenance, pupwede ding gamitin ang humanoid robot ng Japan sa pagputol ng puno, pagtanggal ng mga nakaharang na bagay, pagpipinta ng imprastraktura, at pagpapalit ng mga kagamitan sa signal.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog